
It has been a tradition of the ORALSEX to go on vacation/slash/outing/slash/celebrate the birthday of a member during summer. Last year it was in Bicol. Unfortunately, I was not able to join the group because I attended my niece debut who after a month got pregnant! (off the record -daw)
This year, ORALSEX is going to Pagudpud. So Exciting! not until during the planning stages marami ang nag-pa-STAR! kasama na ako dun!
pa - STAR No. 1: Although back to the killing field na sya from her maternity leave, hindi sya makaka-attend dahil may baby syang dapat alagaan! EXCUSE naman, kasi hindi nya pwede iwan ng matagal ang baby, hindi rin naman pwedeng ibyahe ang bata baka hindi matagalan ang haba at matagtag sa byahe! Problemahin nalang nya ang comment na nanay- na - nanay na at mukhang loshang na daw sya!
Sabi ko hwag sya maniwala, ako na ang unang magsasabi kung nakikita ko na ganun na nga!
pa - STAR No. 2: May team building, kasabay ng outing! Syempre dun sya sa team building eh di na tsugi sya sa work kung unahin pa nya lamyerda!
pa - STAR No. 3: I thought sure na sure na syang kasama! nag iisip na nga sya ng dahilan para ipaalam sa bahay nila! Nag- request pa sya na i-adjust ang schedule ng outing, hindi rin naman pala sya makakasama dahil may company outing sila! Compulsory daw, sa Subic!
Natawa ako sa sinapit nya, dahil lagi naman sya na nasa Subic! Naawa at Nalungkot dahil hindi na talaga makakasama sa Pagudpud! Di bale, makinig nalang sya ng mga blind item sa WOW! Ang Showbiz!
pa - STAR No. 4: Wala! Deadma sya sa lahat ng text, No reply sa lahat ng coordination. In short, non- existing! Ewan ko kung nasa Earth pa sya!
pa - STAR No. 5: Until now undecided pa rin sya! personal ko na sya pinuntahan sa TMC para malaman kung go ba sya or hindi! Nakakapagod daw ang byahe at ayaw nya umitim dahil mag-aabay sa kasal sa May, June ata o July!
Ang sabi ko kay pa-STAR No. 5, maligo sya ng sun block!
pa - STAR No. 6: Member sya ng MAJORITY. Actualy, HINDI sya pa-STAR! Dahil since the beginning of the planning up to the end, YES, CONFIRMED ang attendance nya with family pa! Ang Saya! Finaly may isang confirmed! ( I tag him as pa-STAR para uniform, for cinematic purposes!)
pa - STAR No. 7: Again, for cinematic purposes, I-tag natin syang pa-STAR pero HINDI sya pa-STAR, kasi confirmed naman eversince ang attendance nya with family too!
Hindi lang sya nag re-reply sa mga text, dahil para sa kanya, susunud na lang daw sya sa vote ng MAJORITY. Ang hindi nila alam, TATLO LANG KAMING BOTO ng MAJORITY. TATLO lang kaming nag de-decide nila pa-STAR No.6, No. 8 at ako! Isang boto lang namin, MAJORITY WINS NA!
pa - STAR No. 8: Member din sya ng MAJORITY. During the deadline ng confirmation kung kasama o hindi, sabi ni pa-STAR No. 6 ay hindi pa daw sya confirmed! pero nag-pa extend sya ng invitation sa best friend ko na si FANTASTIC 4SH at hunnykoi! Xempre I extended the invitation. Ang bruhang FANTASTIC 4SH nag-extend din ng invitation sa friend naming "BADING" na taga - BACOLOD!
Nagtanung si pa-STAR No. 8 if i need a separate room for me and hunnykoi. Ang sabi ko, pwede bang kami nalang magkasama sa room ni FANTASTIC 4SH, BADING, hunnykoi.
Ang reply nya: "Un nman pala eh... pde na ako d sama? Go go nman FANTASTIC 4SH plus friend pa."
Na shock ako sa reply nya. Marami tumakbo sa utak ko! Nasabi ko nalang na "OK, IKAW ANG BAHALA"
Syempre, AKO ang MEGA-pa-STAR, SUPER-pa-STAR, DIAMOND-pa-STAR and pa-STAR FOR ALL SEASON: "Guys, I'm so confused with everyone now, I finaly decided that I wont join the outing in Pagudpud anymore. Maybe next time makakasama na ako. Enjoy!"
feeling awkward daw dahil nag-iisa lang daw sya, dahil undecided pa si pa-STAR No. 5, with families sila pa- Star No. 6 and pa- Star No. 7, and ako with my group of friends!
"Your friends will know you better in the first moment you meet than your acquaintances will know you in a lifetime"
- Richard Bach, Illusions
photo source: