Kabila-kabila na ang mga Christmas party. Hindi ko na nga na-attendan lahat ng Christmas party para sa mga may sakit, at ng ibat'-ibang departments. Napaka - imposible naman kasi na maging present ako sa lahat dahil sa lawak ng territory!
Dumaan ako sa office nung isang araw at ang dami ko nasagap na tsika! hindi ko natapos ang dapat ko'ng gawin dahil sa kakasagap ng tsika! High School Musical ang theme ng Christmas party ng office! pero hindi High School Musical na HSM. We are going back to high school daw and dress like high schools. Wear daw ng mga high school uniforms, with insignia and anything related to it! Hmp! Akala ko pa naman go Sharpay na! Naman! wala na ako nuon, na-ipamigay na mga uniforms ko! I texted my high school classmates to ask kung sino alam nilang contact sa alma mater namin nung high school para makabili ako ng T-shirt man lang pang P.E na may logo. Mukhang kailangan ko pa na pumunta ng school at duon bumili! Magpastar kaya ako? Uhm, if I'll go "boys of Gossip Girl" nalang kaya instead?! Pero ganun na mga attire ko, baka akalain naman nila trabaho pa ako! Haay! We're all on in this together!
Kasabay ng Christmas party ng office ang kasal ni Eileen. Si Eileen ay classmate ko nung elementary upto high school! Nagtampo ata sya dahil mamimiss ko daw ang kasal nya!
Tama sya! Mamimiss ko nga sila, andun pa naman mga classmates. Hindi naman ako pwede, at member ako ng organizing committee ng Christmas party sa office. Kasabay na kasabay pa! parehong gabi. Sa Baguio siya ikakasal at ang Christmas party naman ng office ay sa Ortigas. Pwede pa naman ako maka-attend kung naging umaga ang kasal dahil gabi naman ang affair ng office. Ganun paman, Best wishes Eileen!
some classmates in BCNH
Na hack ang e-mail ni Tessie, isang high school classmate ko na nasa Middle East, nagulat ako at may nangyari daw masama sa kanya at kailangan ng pera, take note in pounds! Ambitious ang nagsend ng mail! Hindi kasi ako naniniwala sa ganun nang basta basta! At wala ako ganung kalaking pera noh! pounds pa! The following day nagtext na ang Teresita. Safe naman daw sya at hwag maniwala! Muntik na daw maloko yung iba, buti nalang at tinawagan sya pagkabasa ng e-mail para kumustahin. Nothing to worry about as of this writing ay ka-chat ko sya ngaun, kaya hindi ako matapos tapos magpost! hahaha!
Na-operahan na si Kentot, he is now on cadetship and on training! Sabi ko sa kanya na i-break-in nya na muna! HAHAHA!
Salamat naman at nakaka-recover na si Lola sa pagkaka-ospital! Getting better every day! Nagkasakit si Lola isang linggo na ang nakakaraan! Biglang - bigla na lang! Napagod ata nung nag-byahe sya sa Tarlac na walang nakaka-alam, para dalawin ang anak nya na nasa Hacienda Luisita. Hindi kasi naka-attend sa birthday ni Lola! Ayun si Lola nagkasakit! She was rushed to The Medical City. Naka 3 days sya sa hospital. Wala naman significant findings, kaya discharge ang Lola! Natakot ang lahat akala namin bibigay na!
Sa E.R
MD Resident: "Lola ilang taon na po kayo?"
Lola: "90"
MD Resident: "Kailan po ang birthday nyo?"
Lola: "November 23"
MD Resident: "Ano po'ng year?"
Lola: "1919"
Relatives and friends with Lola in the E.R: "Ha?!!!?? ("As in na pa - "WHAAAT!??" ang lahat!) "E bakit sabi nyo 90 na kayo???"
Lola: "Nahihilo ako! Nahihilo ako!"
ewan ko kung tyak ngang nahihilo si lola o para maiwasan lang nya ang tanung!
Yes, 89 lang si lola! press release lang nya sa amin na sya ay 90! Naloka ako kay lola! Eksenadora! But still, a reason to celebrate, it was her birthday! Nakauwi na si lola sa kanila!Marami ang nangangamusta kay Lola at tinatanung kung anu ang naging sakit nya,
my reply, "She is 90 years old" (as press released)...
Kahit naging busy, I still find time to enjoy myself. I watched these movies last weekend. I bought DVD's since it was on sale!
We are a family like a giant tree branching out towards the sky, we are a family we are so much more than just you and I we are a family like a giant tree, growing stronger, growing wiser, we are growing free... we need you... we are a family...


3 comments:
uhmn. Nakabalik ka na sa pagba-blog!
Hahaha! Anong ORALS_X?! Kainan?! hahahah!
Bilis namang nakapasok si Kentot, kumusta na ang varicose nya, ayos na tiyak!
At si Lola mo, ang galing! Naaalala pa rin nya ang birthday nya. Ang year 1918 dapat?! Pero magaling, may reasoning pa rin, nahihilo raw sya, kaya nagkamali sya sa taon.
Maganda itong post mo, kasi na-update mo lahat ng mga nai-post mo last time. Gayahin ko ito. Hahaha!
Merry Christmas!
meow, di ka naman masyadong busy noh? hehehe
ehem ehem.. baka kasama ako dun sa binilhan mo ng gift..lol
kidding..kidding...
merry christmas...
Don't you love To Kill a Mockingbird? I haven't seen the movie but read the book - way cool! Keep blogging Romeo! - TERE
Post a Comment
mga lampong...